Ako yung tipo ng babae na simple,
Yung tipong lumalabas ng bahay ng walang nilalagay sa mukha na anomang kolorete,
Yung tipong walang ka arte-arte,
Na kung manamit ay parang lalake.
Ako rin yung tipo ng babae na di galante,
Di ako nakakabili ng mga mamahaling bagay tulad ng ibang babae,
Kaya’t ang mga hiling mong mga bagay bagay ay di ko kayang maibigay,
Pagkat puso ko lang ang tangi kong sayo’y maiaalay.
Maitim lang ako’t di kagandahan,
Ngunit buhay mo ay kaya kong kulayan,
Di pandak,di din katangkaran,
Di malakas pero kaya kang ipaglaban.
Ako yung tipo ng babae na hindi nagpapakita ng motibo,
Kung nagkakagusto ako ito ay seryoso pero sikreto,
Di ako mahilig magpapansin,
Pero mahilig akong magnakaw ng tingin.
Wala akong talento,
Wala akong mga bagay na pwedeng ipagmalaki sayo,
Di mo sa akin mahahanap ang babaeng titipohin mo,
Pagkat simple lamang ang isang tulad ko.
Mahilig akong magbiro,
Pero ang pag-ibig ay di ko ginagawang laro,
Di din ako mahilig mangulit,
Kaya kung ayaw mo sa akin ay di ko na ipipilit.
Ngunit kahit ang tinitipo nyo sa isang babae ay di ko angkin,
Naghahangad pa rin ako ng taong totoo akong mamahalin,
Yung tipong nabibigay ang nararapat kong halaga,
Kahit na hindi ako maganda.
Ako Young Tipong Di Katipo-Tipo
Did you enjoy the the artible “Ako Young Tipong Di Katipo-Tipo” from Neftalie Joyce on OZOFE.COM? Do you know anyone who could enjoy it as much as you do? If so, don't hesitate to share this post to them and your other beloved ones.
Leave a Reply